Tuesday, May 26, 2009

anu ba talaga??


its been 1 month na din pala ang nakakalipas mula nung huli kong post...isang bwan na punung puno ng drama at kalungkutan ang utak ko...dami nagsasabi EMO na daw ako...cguro nga...sobra na daw ang depression ko sa buhay...ang hirap kasi ng nadidepress ka at hindi mo alam kung bakit...hindi mo masulusyunan ung problema mo dahil ndi mo naman alam kung ano problema mo...isang desisyon ang ginawa ko na siguradong mag babago ng pananaw ko sa buhay....stop muna ko sa pagaaral....bakit??kaya naman akong pagaralin ng mga kapatid ko ayoko lang...bakit???ndi ko din alam...ayoko muna mag aral sa ngayon ang pinaka dahilan ko kung bakit.... gusto ko munang hanapin sarili ko..gusto ko munang isipin kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay...siguro sa ganitong paraan mas makikilala ko sarili ko..mas maiintindihan ko kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko...isang bwan na puno ng frustrations...mula sa pagaaral hanggang sa personal kong buhay...ndi naman ako pinapabayaan ng mga kapatid ko..there giving me advices for me to realize everything...kaso hindi sapat eh..cguro dapat ako ang humanap ng sagot sa lahat ng tanung ko sa buhay...salamat na lang at may pamilya ko na sumusuporta sakin...totoo pala ung sabi ng karamihan..iiwan ka ng lahat ng tao pero ndi ka iiwan ng pamilya mo...kung alam ko lang na ganito mangyayari sana ndi na ko gumawa ng daan para sumama loob nila....pinabayaan ko sila para lang sa mga kaibigan kong walang kakwenta kwenta na ngayong kailangan mo sila wala na silang pakelam sayo...ang gusto lang nila andyan ka pag kelangan ka nila...well thats life wala na kong magagawa dun...sa ngayon bagong buhay tatahakin ko....ang masasabi ko lang..."GUDLUCK sayo REDD"

Tuesday, April 21, 2009

reminicing...

2:49 am na mulat na mulat pa din mata ko...bakit kaya???siguro sa sobrang dami ng iniisip...sobrang dami ng plano....ndi pa ko nagsisimula masyado naiiyak na kagad ako siguro dahil sa kantang "can this be love" na pinapakinggan ko ngeon...tungkol saan nga ba ang pinost ko ngeon???hmmmm...magbabalik tanaw ako sa mga nangyari sa buhay ko....ang dami ko kasing wat if na hanggang now dala dala ko ...mga bagay na sana hindi ko na lang ginawa...una sa lovelife...may mga dumating sa buhay ko minahal ako minahal ko din naman pero bakit may mga bagay na nagawa ko na naging dahilan bakit kami naghiwalay..."sana hindi ko na lang ginawa.."ang laking pagsisi nun mga tol...dahil kahit anung gusto ko mang ibalik ang past wala na...ang magagawa ko na lang isipin ulit ng nangyari...laliman natin...sa pagaaral ko hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko alam ko naman sa sarili ko na may ibubuga ako..pero ganun pa din nahilig ako sa barkada hanggang sa napabayaan ko na lahat..."sana hindi ko na lang ginawa.."eto na ang main topic ng post ko ngayon...wat if...nagsipag ako sa pag aaral ko yung tipong may napatunayan ako sa pagaaral ko..siguro may tiwala sakin ung mama ko, may tiwala sya na kahit gawin ko yung mga bagay na gusto kong gawin tiwala sya na nasa tamang landas ako....kasi may tiwala sya sakin..."sana pinagbuti ko pala..."maaus naman ang turingan namin magkakapatid...pero may mga wat if pa din...anu kaya kung hindi kami nagaaway dati ng panganay kong kapatid siguro hindi kami masyadon close now at siguro hindi ko gamit yung computer nya...para mapost ko to...sa ngayon ung panganay namin ang nakakaalam ng lahat about sakin...bout naman sa pangalawa kong kuya siguro kong naging mabuti lang akong anak at hindi ko pinasakit ulo ng nanay ko siguro mas close kami...kung pinagbuti ko lang ung pagaaral ko siguro ang laki ng tiwala nya sakin sa lahat ng bagay...kaya alam nyo ngayon takot na takot ako sa failure takot na takot akong magkamali..ayokong may masabi sakin ang pamilya ko lalo na ung pangalawang kuya ko pakiramdam ko tuloy wala syang tiwala sakin well hindi ko sya masisi kasi kasalanan ko yun gaya nga ng sabi nya laht ng sinasabi nya sakin that is a challange so paghuhusayan ko na dis time...nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko, sa mga kaya kong gawin...iniisip ko kasi magugustuhan kaya ng pamilya ko ang gagawin ko...magugustuhan kaya ng mga kapatid ko yung mga gusto kong gawin sa buhay ko...ayoko kasing may masabi sila eh ayokong dumating sa time na sasabihin ko Ulit na "sana hindi ko na lang ginawa.."

Wednesday, April 15, 2009

api bortdey lola


today is april 15 2009 birthday ng lola ko ndi ko na matandaan kung ilan taon na sya.. masaya naman kahit sa hospital kami nag celebrate nagpakain ang nanay ko sa mga kasama ni lola sa ward..ok naman masaya ang lahat..sabi nga nila kahit anong saya eh may kaakibat na lungkot (vice verca) nakakalungkot lang kasi mag iisang bwan na kami sa hospital yet ndi pa magaling ang lola..i can say na physically medyo ok na sya kasi nakakapag salita na unlike before eh talagang hindi mo sya makakausap..ok na sana nakakpagsalita na kaso katulad nga ng ibang matatanda eh medyo nakakalimot na...you know wat guys kung gano kasakit samin mga nagmamahal sa kanya ang mag kaganun sya..nawala na yung dating lola ko na nangungulit ibili sya ng katol kahit alam nyang may ginagawa ako or nanunuod ako nawala na ung dating lola ko na astig magsalita "Batas" ang salita nya sa bahay...masakit sa part ko kasi aminado ako na ndi ako naging mabuting apo sa kanya...there are times na kapag inuutusan nya ko ndi ko sinusunod kagad may mga oras na padabog ako sumusunod sa kanya...nasaan na yung lola ko na kahit hindi ko sabihin sa lahat eh mahal na mahal ko sya..kung mababalik lang yung dati...susunod na ko sa bawat sasabihin nya..sa lahat...kaso it's too late na...huli na para maging mabuti akong apo sa lola ko na halos hindi na ko kilala...guys if you still have a grandma or grandpa sa tabi nyo treasure every moment na nasa tabi nya kayo..oo nga medyo may kakulitan na kasi matanda na pero guys promise mamimiss nyo yung araw na kinukulit nila kayo pag dumating na sa time na ndi na nila kayo makukulit....believe me God is good marunong sya tumanaw sa mga taong nagmamalasakit at nagmamahal ng buong buhay sa kanila.....
"Jayson....sarado na yung pinto...yung gate kandado na... patayin na ung ilaw sa CR"
"opo lola....maya maya po..." - i miss dis-

Sunday, April 12, 2009

job job lang...


another boring day.....pero konti lang kasi kahit na nakakulong ako sa bahay namin kasma ko naman ang mga angel na sinasabi ng kuya ko...well ang tagal na din akong tengga sa bahay... as of now i want to find my job (sa mga nagtataning kung bakit ndi na ko magaaral ndi ko na po sasabihin dahil its my fault and for that im sorry MA!) ok... i am finding a job ryt now coz i want to help my mother but i want to pursue my studies....ayoko naman talagang tumigil eh kaso lang wala naman akong magagawa coz i have many things to consider kaya naisip kong wag na lang...ayun balik tayo sa boksing willing naman akong tulungan ng mag kapatid ko to find a job pero ang hindi nila alam hanggat maari ayoko sanang humingi ng tulong sa kanila kasi kasalanan ko kung ano man ang nanyare sakin and ayoko dumating sa time na magaya kami sa ibang magkakapatid na nagkakasumbatan sa huli alam kong hindi naman talaga sila ganun...aminin natin ndi ko pa kaya alam ko yan sa puso ko..kaya i nid them to help me....i want to find a job to help my family especially my MOTHER on the other hand i want o pursue my Studies coz i have my own Dream...haizt ANG GULO!

Sunday, April 5, 2009

new blogger


as i grow up in the computer age i never thought that i would make my own blog..before, i thought that blogging is the most boring thing that you can make now a days..but everything ha changed, and now im starting to make my own blog.. i hope you will enjoy reading this "BORING" blog of mine..hehehe